Mag-iisang buwan na mula ng mangyari
ang pinakamasakit na yugto sa buhay naming pamilya ni Ronel “Onel” Balderama Sotto.
Hindi namin matanggap ang nangyaring pagpaslang sa kanya, isang napakasakit
na kamatayan sa pamamagitan ng kamay ng walang awa at wala sa katinuang pag-isip na kriminal. Halos maubusan na kami ng luha, lalong-lalo na ang aming mahal na ina. Hanggang ngayon, napakarami pang tanong sa
isipan ng bawat miyembro ng aming pamilya – mga katanungan na gustong-gusto na
namin mabigyan ng kasagutan.
Arvin, oo may mga nangyaring hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng aking Manoy Onel at sa kapatid mong si Zeny “Nea”
Camposano. Ngunit, sapat na ba yun para bawiin ang buhay ng kapatid ko? Sapat
na bang dahilan iyon para saksakin mo siya, saksakin nang hindi lang isang
beses kundi LABINDALAWANG (12) BESES? Hindi ba’t ng sinugod mo siya noong gabi
ng Abril 6, 2016, nagmakaawa siya sa iyo na kinabukasan na kayo mag-usap dahil
lasing na lasing ka na? Bakit di ka nakinig? Bagkus, tinaraydor mo siya? Bagkus
sinaksak mo sya sa likod niya ng napakaraming beses. Paano mo iyon nagawa?
Dahil sa pagkampi mo sa kapatid mong si Zeny? Noong mga pagkakataong
nagsusumbong si Zeny sa iyo, inalam mo ba ang puno’t dulo ng mga pagtatalo
nila?
Para kay Zeny/Nea, Ano ngayon ang
masasabi mo, ngayong wala nang makapananakit sa’yo? Pag nagkaharap tayo, ano kaya
ang sasabihin mo sa akin? Masasabi mo ba sa akin ng nakataas ang noo na hindi
ka dapat saktan ng asawa mo? Ano naman ang isinasagot mo kapag nagtatanong ang
mga anak nyo ng, KUNG KELAN UUWI O KELAN GIGISING ANG PAPA NILA?
Sa magulang ni Arvin, ano na po ang plano niyo? Totoo ba na hinayaan
ninyo na makatakas at makapagtago ang kriminal ninyong anak? Sa iyo, bilang ina
ng pamilya, bilang isa sa tagapagpatupad ng batas, paano po kayo nakakatulog ng
mahimbing mula ng mangyari ito? May batas tayo, bakit po hinayaan ninyo na
humantong sa ganito? Kayo po ang lumugar sa kalagayan ng Mama ko, ano po kaya
ang mararamdaman nyo kung sa pamilya nyo nangyari ito? Hindi nga ba’t may
kasabihan na, kapag ang asawang babae ang namatayan ng asawa, ang tawag ay
biyuda, pero pag siya ang namatayan ng anak, walang akmang salita na maibigay?
Ganun po kasi kasakit ang mawalan ng anak na siyam na buwan dinala ng ina sa kanyang
sinapupunan. Hindi maipaliwanag na sakit ang nararamdaman ni Mama ngayon. Sa
palagay ko, hindi niyo dapat ikatwiran na kaya namatay si Manoy Onel kasi
sinaktan nya ang anak ninyo. Hinding-hindi nyo po iyan dapat ibigay na katwiran
sa amin. Hindi kami nagkulang sa
pagpapayo at pagpapaalala sa Kuya ko. Kung naging masunuring asawa lang sana
anak niyo, hindi mangyayari ito.
Sa mga nakakakilala, nakakita o may
ano mang impormasyon tungkol sa taong ito, ipagbigay alam lamang po sa numerong
ito 0918-6618583 (Rowena Sotto). Maraming Salamat po!
By Rowena B. Sotto
0 Comments